Ano ang dapat gawin kapag ika'y nababalisa, natatakot at pinanghihinaan ng loob?
Tuhod at Sahig sa Balisang Puso
Likas sa tao ang masaktan at matakot
Ito’y magdudulot ng hapdi at kirot
Na hahadlang sa pangarap na maabot
Kahinaang magbubunga ng lungkot…
Nagsisikip ang dibdib sa pag-iyak
Mga labi'y naliligo sa luhang nalalaglag
'Di mapigil dahil sa sobrang hirap…
Ang masaktan ay bahagi na ng buhay
Ang kaakibat nito ay matinding lumbay
Dahilan para makaranas ng panghihina
Kung 'di ma-agapan hahantong sa hukay…
Nguni't ang mabigo'y 'di dapat katakutan
Harapin itong walang pag-aalinlangan
Tanggalin ang takot sa puso’t isipan
At umasang maglalaho mga pait ng buhay...
Huwag magmukmok sa isang sulok
Magtiwala sa kapangyarihan ng Dios
Lumuhod, balisang puso'y sa Dios umawit
Hingin ang awa, pagkalinga't pag-ibig!
Sa mga #PinanghihinaanNgLoob #Natatakot #Nababalisa at #Nalulungkot, ang payo po ni Bro Eli ay ito: Kung nagtitiwala kayo sa Kapangyarihan ng Dios, huwag kayong mabalisa sa anomang bagay. Basahin natin ang mga sumusunod na sitas:
No comments:
Post a Comment