Mga Filipinong hindi sumasang-ayon sa paraan ng pamumuno ni Pangulong Duterte - lalo na sa kanyang Drug War Policy. Salamat Pangulong Duterte - ang pamumuno mo ay kaligtasan ng milyong Filipino laban sa drogang sumira at sisira sa kinabukasan at mga buhay ng milyong-milyong Filipno sa bansang ito.
Mahirap man o mayaman, kapag si Pangulong Duterte ay nasisilayan, lahat sila ay mapapanganga sa paghanga sa bawat salitang kaniyang binibitawan. Mga salitang hinugot mula sa kaibuturan ng kaniyang puso at isipan na nagpapahiwatig ng pag-asa na isang umaga magigising ang lahat na ang buong paligid ay malinis na, tahimik at kaaya-ayang pagmasdan.
Nguni't sa kabila ng lahat na kabutihang na kaniyang ginagawa para sa ikabubuti ng sambayanang Filipino, ang daming meron - iba't ibang grupo na ang hangarin ay hubaran siya at ipahiya sa buong mundo habang kanilang ipinangangalandakan na ang bansang Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay naging pugad ng patayan ng mga inosenteng mamamayan.
Sila ang grupo ng mga Filipinong hindi sumasang-ayon sa paraan ng pamumuno ng ating pangulo. Kahit mga pari, madre, mga grupo ng "human rights", mga bayarang "journalists" ng mga kilalang media networks ng bansa ay nagpagamit sa mga kumakalaban sa bagong administrasyon. Kahit sa Senado sa pangunguna ni Sen De Lima (ngayon ay nakakulong na), Trillanes, Hontiveros, Drillon, Pangilinan kasama si VP Robredo ay lantarang nagpapakita ng kanilang hindi pagsang-ayon sa "War against Illegal Drugs" ni Pangulong Duterte.
Also, read my other published articles
Salamat sa milyong milyong Filipino na handang ipaglaban ang kabutihan at ang mga magagandang layunin ng pangulo para sa bayan at mamamayan. (To be continued in part 23)
My personal opinion and observation sa pagmamahal ng mga Pinoy sa Pangulo at kung paano hinubaran ng kalaban ang Pangulong Duterte.